" Hindi naman talaga sumbong, gusto ko lang na mailabas yung nasa loob ko. I parted ways with my partner of a year today (Jan 10). Wala kaming label, at sobrang private nung naging relationship namin dahil komplikado talaga. Walang nakakaalam ng tungkol sa amin maliban sa isang mutual friend.
Pero ayon, we decided to part ways kasi during may nakilala syang iba nito lang na December. Naging mabilis yung mga pangyayari, nag meet sila isang beses after New Year at dun nya na realize na nafafall na sya don sa ibang guy. Hindi ko sya masisi dahil nga sa nature nung relationship namin, at meron yung lalaki na mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya ngayon. She is at the stage that she is looking to settle down na, at sa ngayon totoo naman na hindi ko pa kayang ibigay sa kanya yon. Isa din talaga kasi itong financial stability sa mga issue namin kung bakit hindi kami maging official. Narealize ko lang din na at the end of the day, yung sarili ko lang yung pwede kong sisihin kasi madami naman talaga akong nasayang na oras. Ang sakit lang kasi lahat ng plano ko for 2021, nasira na kasi parte sya nung mga plano ko.
Kitang-kita kasi sa mga mata nya at sa tunog ng boses nya habang kinukwento nya sakin yung sa lalaki, ramdam mo agad na wala na akong pag-asa kahit anong gawin ko, so I decided to let her go, kahit masakit. Sinabi ko na lang sa kanya na sa sisiguraduhin ko na pagsisisihan nya na pinagpalit nya ako. Apologetic sya, kasi nasaktan nya ako kahit sobrang good friends kami even before nagkaron ng something samin, ang sabi ko sa kanya hindi ko kailangan ng apology nya. Ang gusto ko makita, gusto kong makita syang masaya sa naging decision nya. Gusto ko makita yung happiness na hindi ko kayang ibigay or hindi ko nabigay sa kanya don sa bagong guy, yun yung apology na gusto kong makita galing sa kanya. "