" Isang immigrant kasi ako dito sa california. Engineering graduate ako sa pilipinas then lumipat kami dito. So nag wowork ako ngayon sa california pero lowest of the engineer ako. Then yung mga engineer galing dito mas mataas sakin. Pero madami akong skillset na alam. Madami akong engineering software na kayang gawin. Bali yung job description ko hindi na tumutugma dun sa mga ginagawa ko. Madaming bagay yung pinapasa sakin kasi ako lang nakakagawa. Pagod na pagod na ko sa work pero ako parin yung pinaka mababa sa mga engineer. Yung ibang engineer mas malaki sweldo kesa sakin pero chill lang. Dapat na ba ko mag demand sa company or ano dapat kong gawin. Lalo na ngayong pandemic hindi sila maka hire ng ibang employee kaya pinapasa sakin. "