"Hihingi po sana ako ng advice. We’ve been together for 3years, kasama ko sa lahat. Sa ano man pagsubok Kasama ko sa pagtupad ng mga pangarap ko. Yung naiisip mo na kampante ka na sa kanya, na sya na talaga! Pero biglang nagbago ang lahat ng DAHIL LANG SA PERA? Iiwan mo yung kasama mong tumupad sa mga pangarap mo dahil lang sa pera? Mag 5months na kaming wala pero binibista parin nya ako sa mga panaginip ko. Pero alam ko sa sarili ko na tinatanggap ko na wala sya. Sa ngayon nakafocus ako sa mga pangarap ko na dapat kaming dalawa ang magkasama, wala e. Naiwanan ako sa ere. Ganon siguro kapag nagmahal ka ng sobra. Paano po ba makakalimot sa ganitong situation? Salamat po."