"Sobrang hirap po ng situation ko ngayon. Hindi pa po ako nakaka-graduate ng College pero nasa isip ko na po to matagal na. Bakit po may mga parents na ginagawang "investment" yung mga anak nila? Na kailangan pagka-graduate ko ng college, kailangan ko agad magtrabaho para makatulong sa mga pangbayad sa bahay. Hindi ko po kasi talaga gets na ba't parang may "utang na loob" lagi yung mga anak kapag hindi nakakatulong sa parents ko po? Di ko po kasi talaga alam gagawin pero parang yun po kasi naisiip ko na mangyayari after ng graduation ko po eh. Para po akong nagtrtrabaho para sa kanila hindi po para sa sarili ko."