"Itago niyo ako sa pangalang DIANNE. Last Sunday, habang nagiikot po ako sa stream ng iba para magpromote ng aking video entry for Featured Streamer challenge, may napuntahan ako ng isang non-featured streamer na nangblock sa akin na walang dahilan or hindi ko naman siya inaano, tawagin natin siya "VAMPY GIRL" kasi nung sabado pumunta ako sa stream niya at nilapag ko ang comment ko para manawagan na suportahan niyo ako ng video entry ko tapos pagka-comment ko lumabas agad ako. Tapos nung linggo, 2nd time ko siya dinalaw tapos bigla na lang niya ako bina-BLOCK nang walang dahilan at wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Hindi ako ganun klaseng tao na nangiispam, I comment in a nice way, wala naman pong masama sa sinasabi ko pero bigla na lang niya ako binablocked. Wala naman po akong kasalanan sa kanya or wala akong tinatapakan ng ibang tao."