1. EachPod
EachPod

Isumbong Mo Kay Kute Ep 53 (Anx)

Author
Luponwxc Kumu
Published
Mon 22 Mar 2021
Episode Link
https://podcasters.spotify.com/pod/show/luponwxc-kumu/episodes/Isumbong-Mo-Kay-Kute-Ep-53-Anx-et7krs

"Gusto ko po kasi humingi ng advice kung paano ihandle ang anxiety sa isang relationship. May bf ako ngayon at LDR po kami, never pa nagkita in person. Sobrang hirap talaga kasi ako masyado akong nag ooverthink kapag wala syang time sa akin or di nya nasasagot ang calls ko. Dati kasi dumating na kami sa point na halos 1 beses sa isang  buwan na lang sya kung magcontact sa akin dahil daw sobrang busy nya sa work kaso para sa akin hindi naman yun enough reason para di makapagbigay ng time. Nadepress ako nung time na yun to the point na gabi gabi ako umiiyak tapos apektado ako emotionally for 8 months pero tiniis ko yun. Ngayon tuloy sa tuwing wala syang time sa akin natatakot ako at bumabalik sa akin yung dati na baka maulit nanaman yung time na maiwan ako sa ere. Andami kong naiisip at mga tanong na "bakit" sa isip ko. Nag bbreak down ako kaagad kapag nag ooverthink ako at dumadating na tuloy sa point nanaaaway ko na yung bf ko kapag di na nasasagot ang calls ko or di sya nakakapagpaalam sa akin. Alam ko nagiging toxic na ako dahil sa anxiety ko pero I can't help it, gusto ko lang naman maramdaman na paglaanan ng oras at maramdaman na mahalaga ako. Hindi ko sure kung masyado lang ba akong demanding or sya ba ang nag kulang. Dati hindi naman ako ganito. Mula kahapon hanggang kanina buong araw ako tumatawag pero di sinasagot, ayun tuloy nakapagbitaw ako ng masasakit na salita sa text. Tapos ngayon naman nag aalala ako kung anong mararamdaman nya doon. Kaso kung hindi ko kasi ilalabas sobrang bigat. Immature po ba ako? Or dapat ko na bang kalimutan yung nangyari dati at magtiwala na lang sa partner ko ngayon? Ang hirap kasi talaga ng LDR sa totoo lang, palaging misunderstandings."

Share to: