"Ganito po yun my ka live in po ako ngayon at my anak napo kami 1yr old, mahal ko naman po ang partner ko kasi kahit ilan beses nya na ako niloko eh nagawa kopa din patawarin at tanggapin sya, siguro hindi na ganun kabuo un tiwala ko pero bilang asawa ginagawa ko lahat para maramdaman nya na mahal ko sya, kahit minsan pag lasing sya eh sinasaktan nya ako, ilan beses ko sya pinatawad dahil sa anak namin, pero minsan nakakaubos na din pala ng pasensya nakakapagod , minsan gusto ko ng kumawala. kapag galit sya sasabihan nya akong Walang Kwentang asawa, minsan gusto sabihin sakanya kung wala akong kwenta hindi ako magpapakatanga at titiisin lahat ng sakit ng pinararamdam nya. Then ito nga my ex ako nagkausap ulit kami after 2yrs, naghiwalay lang kami dahil sa misunderstanding, my anak na din sya at kinakasama pero sabi nya mahal na mahal pa din nya ako.. Kasi ako lang naman talaga ang bumitaw dati kahit ayaw nya kung para sakin sya un lalaki perfect guy. Sakanya ko naranasan lahat kung paano ituring princessa, kung paano ako pahalagahan at igalang. Pinagsisihan ko naman talaga nung binitawan ko sya kasi naging mahina ako pero siguro ito un sinasabi nilang KARMA, nasa tamang tao kana sana kaso sinayang kopa..
At dahil sa lagi na kami magkausap sakanya ko lagi nakukuwento yun problema ko, hanggang naisip namin magbalikan, kahit my mga kinakasama kami. Alam kong mali pero diko alam kapag kausap ko sya masaya ako, nababawasan un lungkot ko.. Tama ba na ipagpatuloy kopa din un koneksyon ko sa ex ko. Gusto ko na din kasi bumitaw sa partner ko kasi pagod na talaga ako kaso iniisip ko din ung anak ko ayuko din kasi sana sya lumaki na Broken family.. Diko alam kung magstay pa din ako ba ako na aasa na magbago pa. Sana matulungan nyu ako."