1. EachPod
EachPod

Isumbong Mo Kay Kute Ep 177 (Maria)

Author
Luponwxc Kumu
Published
Tue 31 Aug 2021
Episode Link
https://podcasters.spotify.com/pod/show/luponwxc-kumu/episodes/Isumbong-Mo-Kay-Kute-Ep-177-Maria-e16n70t

"Pahingi ng advice guys. I'm 23 years old, fresh college graduate at 3 months na buntis. Di pa alam ng magulang ko, pero yung tatay ng magiging anak ko ay umalis pa Cavite para magtrabaho para may maipadala sakin pang check up ko. Bale nagdadahilan na lang ako pag umaalis ng bahay para magprenatal check up at bumili ng vitamins. Alam ng magulang ko ang relasyon namin pero laging silang may sinasabing di maganda. Masyadong masikip ang mundo ko sa aking pamilya dahil sa kahit anong desisyon ko, pinapangunahan nila. Naging mabuting anak ako, alam ko yun dahil lagi akong sumusunod sa kanila, di ako laging humihingi ng pera sa kanila dahil ayokong may maisumbat sakin kasi ganun sila, pag may binigay, sinusumbat pagalit, mali lagi ang nakikita at di maaaring walang sasabihing masasakit na salita. Yung bf ko ngayon, minahal ko ng sobra at mahal na mahal niya rin ako. Siya yung first kiss ko at sa halos lahat dahil ilag ako nun sa mga nakaraang bf ko. Tapos siya, ako rin ang first niya dahil mga nakaka gf nun ldr, di nagkikita kumbaga fun time lang. Sa ngayon, sabi ko sa kanya na ayoko rito samin manganak dahil siguradong di ako magkakaroon ng peace of mind. Kaya pinapapunta niya ako sa Cavite kasi andun mga kamag anak niya at matutulungan daw kami. Alam ng pamilya niya ang tungkol sa kalagayan namin at handa silang tumulong. Pero ako, di ko alam kung kaya kong magpaalam sa magulang ko at di ko alam kung kaya kong tanggapin mga masasakit na salita mula sa kanila. Natatakot ako, dahil sa trauma sa magulang ko, di ko na alam kung pano magkaroon ng sariling desisyon. Ayokong basta umalis ng di nagpapaalam ng maayos at may part sakin na pag di sila pumayag, natatakot akong sumuway. Gusto ko ring lumayo at maghanap ng oppurtunity at di nakatali. Para na nga akong katulong dito sa bahay pero wala pa rin akong kwenta sabi ng magulang ko."

Share to: