"Paadvice naman po. 2 years and 4 months po ang tinagal ng relationship namin ng bf ko. Nong una okay naman kami kaso simula nong nagkapandemic medyo nagkalabuan na since himinto sya sa pag-aaral at nagwork sya as call center agent, 8am to 5pm ang pasok nya(M-F). Ang laging pinag-aawayan po namin ay time at ang pagiging selosa ko or maduda kong tao. Hindi naman po ako magiging selosa kung di sya nagdiday at nagpopost ng pics ng friend nya lang "daw". Ang sesexy po kasi at ang gaganda, kaya po kapag may iday syang babae or kawork mate nya tinatanong ko agad kung sino. Tanong lang naman po kung sino yon at bakit nya pinost ang pics na magkasama sila.Yon lang po tapos ang dating po sa kanya nagdududa raw ako sa kanya. Sa time naman po since ldr kami ngayon simula nong pandemic, di na kami nagkaka-usap ng maayos dahil every time na magchat ako sa kanya after nya work sa hapon/gabi. Minsan sinasabihan nya ako na wala na raw syang pahinga kasi bawat makita ko syang online kinakausap ko raw sya. Di na raw sya makayoutube at makaml, ganun po. Hanggang isang araw nagdecide syang maghiwalay nalang kami dahil ang toxic daw ng relationship namin. Ldr at Wala raw kasi akong tiwala sa kanya at ang sabi nya pa. Magfofocus sya sa work nya at goals nya. Valid po ba na reason ang magfocus sa work nya?"