"Hello po ask lang po sana ako ng advice. Isa akong estudyante na grade 12 maglalabas lang ako ng sama ng loob kasi sa lahat ng teacher ko sa kaniya lang ako nagkaproblema ng todo. Sa ugali niya mismo. Di niya maintindihan na kailangan kong magtrabaho para sa sarili ko. Sabay may kagrupo ako na paborito niya dalawa yun na akala mo kung sinong putak ng putak wala namang dulot. Sabay iniinsulto ako kasi bakit ako nagtatrabaho. Ang hirap no kapag yung teacher mo lumaking may kaya pati kaklase kasi kailanman di nila mauunawaan kalagayan. Nakakairita lang sabay ako pa masama.. Sasabihin wala akong gawa eh halos lahat sila di gumawa nagrereklamo din kaklase ko siya lang gumawa tapos bakit di ako nasama sa grupo. Ayun, halos ako nagsisimula kapag may gagawin tapos sila di nila alam tumulong kung papaano. Sinong gaganahan sa ganiyan. Isipin mo graduating kana at ayaw ng teacher na iyon na mahabol ko pag ka with honors ko. Hirap na hirap po ako kasi pagod na nga ako sa trabaho tapos pagdating sa school eh mas nakakapagod dahil sa ganito."