"Hello po. Gusto ko lang po humingi ng payo sa inyo. Hindi ko alam kung swerte ba ako o malas kasi langya gustong-gusto talaga akong paglaruan ng tadhana. Lahat po kasi ng nagugustuhan at nagiging boyfriend ko, puro bad boy. :( Hindi ko naman po gusto magkaroon ng relationship na toxic pero yung mga naging ex ko (3 po sila) puro nag break kami dahil sa cheating nila. Ako naman po ay na-trauma na. Akala ko naman po kasi lahat ng yun eh maayos kasi ang galang nila sa simula, ina-update ka palagi san at ano ginagawa nila. Yung isa nga po pinakilala ko pa sa magulang ko pero nag cheat parin siya :( ano po pwede niyo mapayo para makatagpo ng isang guy na matino? :("