1. EachPod
EachPod

Isumbong Mo Kay Kute Ep 155 (Lex)

Author
Luponwxc Kumu
Published
Sun 04 Jul 2021
Episode Link
https://podcasters.spotify.com/pod/show/luponwxc-kumu/episodes/Isumbong-Mo-Kay-Kute-Ep-155-Lex-e13tevj

"Hello po. May BF po ako LDR kami ngayon. Nung June 11 po birthday ko yon, sabi ko po pumunta sya sa bahay kasi nga birthday ko. Kaso po pagpunta niya dito, syempre bumili po siya ng handa para sa birthday ko and masaya naman po yung time na yun. Kaso po yung mga susunod na balik ng bf ko samin, parang nag iba po yung tingin ng nanay at pamilya ko sa kanya. Nasanay po kasi ang nanay ko dun sa asawa ng ate ko na tuwing pumupunta sya, laging may dala ulam, ipapamalengke sila, etc. Yung bf ko naman po eh hindi naman po ganun kalakihan ang sweldo. Sapat lang po at wala sya naiipon sa sarili kasi breadwinner siya sa kanila. Nung huling punta nya po dito,nag iba mejo sumasasama ang ugali nya (nanay ko). Di nya na masyadong kinakausap bf ko sa umaga magigiseng nalang kame sa kakabunganga nya. Ganun din tatay ko pag dating galing work napakainit ng ulo na kulang nalang sabihin sa bf kona hoy umalis kana nga dto at pag wala kame sa harapan nila pinag uusapan kame ng ate ko at nanay ko na kesyo daw kuripot ako at tinuturuan ko maging kuripot bf ko which is hinde naman totoo. Tinitinipid ko ang 5000 pesos na tira sa pera ng bf ko dahil ng umuwe sya 3k din ginastos nya sa pasalubong nya sakin ang nanay ko kase nag hihintay pala na mag bigay din sa kanya ang bf ko at sabe pa daw baka daw may ibibigay na bf ko sa kanya na 1k pero ako daw na kuripot baka hinarang ko daw. Ano po pwede ko gawin dito? Hindi naman po ganun kalaki kumita ang bf ko pero parang sa tingin ng nanay ko eh ang yaman na nya kaya lagi nya inaasahan na may bigay bf ko sa kanila."

Share to: