"Hello po. Boy po ako and 20 years old po ako. Nasa college na po ako. Hihingi lang po sana ako ng advice. I have my childhood friend na super close ko po. 15 years na po kami magkakilala and magkakilala na po yung parents namin kasi magkaklase po kami since grade school tapos di na po kami nagkita kasi lumipat po ako ng highschool. Pero may contact parin naman po kami sa isa't isa. One time po, nag-break sila ng boyfriend niya and 2 years sila. First time nya po ako kinausap about dun kasi nag share po siya ng nararamdaman nya that time. Syempre po inaya ko sya kain kami ganyan para um-okay sya kahit konti. Pero po ang nangyari, nag tuloy-tuloy po yung paglabas namin. Punta kami sa parks ganun kain sa samgyup, etc. Hindi ko po alam ano ma-fefeel ko kasi araw araw na kami magka chat ngayon and di ko po alam kung may "sparks" ba kami or wala. Pero ang tatanong ko lang po sana sa inyo, itutuloy ko po ba to kung magkaroon man ng "sparks" or i-maintain ko nalang po yung friendship namin ng 15 years?"