"Hi, called me Ikay. Kasal na kami ilang buwan lang nakakaraan. Kinasal kami dahil nabuntis niya ako pero may trabaho naman na siya. We're both college graduate. Siguro di lang namin inaasahan yung pagdating ng baby namin. Kaya ng sinabi ko sa nanay ko pinakasal na niya agad kami dahil daw pangit tingnan. Teacher kasi tinapos ko pero ayoko magturo. Masyadong stress ang pagtuturo para sakin pero nakaya ko naman. Working student ng college, dean's lister basta isang huwarang magaaral ako dati. Nakakatulong na din ako sa parents ko that time. Bago pala kami ikasal nawala yung baby ko siguro stress sa trabaho. Nung nagpakasal na ko hirap na maghanap ng trabaho dahil yung iba single ang hinahanap. At dahil pandemic din siguro. Masaya naman kami dati dahil nabiyayaan kami ulit ng isa pang baby. Pero nagbago siya. Sa unang buwan namin ng pagsasama yung sahod niya sinusurrender nya pa sa akin. Sumunod na buwan magkano na lang. Pambayad na lang namin ng bahay, pang grocery at pambili bigas. Ngayon walang natira sa akin maski 50 pesos. Pero ngayon maski kakainin ko parang need ko pa ipanglimos sa asawa ko. Kinakausap ko naman siya tungkol dyan nagiiba lang yung tono ng pananalita niya. Akala ko after namin maging mag asawa, magbabago siya. Hindi po pala. Ano po kaya pwede ko gawin?"